What power leaves no room for autonomy?
(reparations for the land of the lost)
Buen Abrigo
Cian Dayrit
Jose Olarte
KalawakanSpacetime
Addressed to Empire itself, Abrigo, Dayrit, and Olarte’s What Power Leaves No Room for Autonomy? takes stock of the imperial project from its tools and scrap. In the same tenor as Fanon, the works insist with bravado that any “aid” from empire isn’t charity, but something that is due, and it’s “time for the capitalist powers to pay up.”
— Levi Masuli
BALAGBAG
ZENTE
ENOKI
SOYTEY
IMBA
DEWER
EKOT
SKEE
FAUST
OMCHIM
RAVE
VILE
BLAME
ZYGOAT
ZANOR
LASH
Thehardr
SHPRD
GNJR
THE HARDWAY
Curated by Jose Gabriel Naguiat
Balagbag, by The Hardway Collective, takes place within the raw, exposed architecture of a recently demolished building. The term “balagbag” carries significant weight here. In Tagalog, it signifies a deviation from the straight, the crosswise, and the askew. It speaks to something placed or thrown across something else, a deliberate disruption of the linear. This resonates with a style that intentionally breaks the rules, forging a bold, often chaotic aesthetic — a spirit that The Hardway Collective embodies with visceral force.
Like Marcel Duchamp’s readymade, this exhibition reexamines the very ontology of art – interrogating wether art is solely defined by aesthetic qualities or by the artist’s intent and the context in which it is presented. The demolished building becomes our “Fountain” – an object removed from its original context, recontextualized to provoke, destabilize, and ultimately reconstruct artistic perception.
In “Balagbag”, viewers are invited to experience the exhibition not as a passive observer, but to engage in a paradigm shift of artistic production and creative intuition – to view things askew. For in the fragments of what has been destroyed, we may find seeds of new understanding.
— JGN
ANG PUMATAY KA NGUNIT ANG UHAW NA WALANG KATAPUSANG PAG-ITIM NG TAGAK, WALANG BANGO KASTILYONG TAGA SA LANGIS AT BUGHAW, ANG NAGBABAGANG LUPA NG DAGAT, ANG MINSAN NAGALIT SA HABA NG GABI SAANG DARATING KANG NAKAW NA TUBIG, LUMUHOD KA KAPAG PINULOT KA IBULONG IYONG DANGAL
Gino Javier
Matindi ang pagkabalisa ng artistang si Gino Javier sa kalagayan ng lipunan – obyus ito sa ilang taon kong pagkakakila sa kanya. Partikular dito ang tahasang pagtuon ng kasalukuyang istruktura ng lipunan, at ng kaugnay nitong estado, sa interes ng mga naghaharing uri – sa kanilang pagpapayaman at pagpapanatili ng kapangyarihan – samantalang naisasantabi ang kapakanan at sadyang tinatapakan ang karapatang mabuhay nang disente ng nakararaming masa. Dahil dito, di na kataka-taka na ang kanyang mga likhang-sining, partikular dito sa eksibit niyang ito, ay nakatuon din sa usaping ito.
Ang kaibahan lang dito ay, imbes na gumamit ng salita gaya ng sa mga kaswal na pag-uusap, hinayaan niyang magpahayag ng kanyang perspektiba ang kanyang mga litrato at ang paraan ng pagkakahanay at pagkaka-ayos ng mga ito sa espasyo ng gallery. Sa isang banda, maaari sigurong tanawin ang eksibit na ito bilang isang proseso upang maikongkreto ni Javier ang kanyang pananaw sa paraang biswal at makumpronta ang siyang bumabagabag sa kanya. Sa kabilang banda, isa rin itong pagtuon sa kapwa, sa atin, upang mapalawak ang ating kamalayan ukol sa lipunan. Dalawa itong di-birong gawain sa panahon ngayon ng walang-humpay na distraksyon.
Kung sisipatin ang mga litrato niya nang isa-isa, makikitang mga pangkaraniwang eksena lamang ang mga ito, hindi kaiba sa makikita natin sa paligid sa araw-araw. Marahil nasa ganitong pagiging karaniwan makikita ang unang bisa ng kanyang mga gawa, sapagkat ang tinutukoy niyang mga suliraning panlipunan ay makikita naman agad sa ganitong mga eksena at di na nangangailangan pa ng anumang pampatingkad o disenyo. Ang pangalawang bisa ay makikita naman sa pagkakahanay niya ng mga ito, kung saan naipapaangat ang mga kontradiksyon at ang mga analohiya na naglalarawan sa abnormal na pagtakbo ng lipunan.
At sa pag-angat ng mga obserbasyong ito, binibigyang posibilidad ng eksibit ang pagbasag kahit sandali ng ilusyon ng normalidad na humaharang sa pag-unlad ng ating kamalayan at ang pagkwestyon ukol sa kalagayang panlipunan: Bakit napakalaki ng agwat ng antas ng pamumuhay ng mga mayayaman at ng mga mahihirap? Bakit isinasakripisyo ang kalikasang pinakikinabangan ng lahat kapalit ng tinatawag na pag-unlad? Sino ba ang pinagsisilbihan ng estadong dapat sana’y umaagapay sa lahat? Ito ba ang takbo ng matinong lipunan?
Marahil ang pinakamahalagang naipararating nitong eksibit ay makikita sa mismong pagtatag nito, na sa tingin ko’y patungkol sa atin bilang mga kalahok at kasaping may sariling kapangyarihan sa lipunan. Kung tutuusin naman kasi, hindi naman bago ang mga imaheng ito sa atin, pero bakit angkop at makabuluhan pa rin ang paglatag ng mga ito? Maari itong tingnan bilang isang masinsinang pagpuna sa kakulangan nating lahat bilang isang kolektibo na makita nang malinaw ang paligid natin at mapagnilayan nang wasto ang kalagayang panlipunan, bunga ng pagkamanhid, ng indibidwalistikong pag-iisip, at ng lumalalang pagkalibang sa kulturang komersyal na kasangkapan ng pangdaigdigang sistemang kapitalista.
Sa huli, habang inilalantad ng mga artistang tulad ni Javier ang kabulukan ng kasalukuyang lipunan at estado, at ang kakulangan sa pagtanaw at pag-aksyon natin, bumabalik na sa atin ang tanong: May paki ka ba? May gagawin ka ba? May pag-asa pa ba?
— Karagdagang notes ukol sa pamagat ng eksibit
Ayon kay Javier, ang pamagat ng eksibit ay pinagtagpi-tagpi niyang mga kataga mula sa mga pamagat ng bomba films na laganap noong dekada ’70 at ’80. Itinuturing ng marami ang mga pelikulang ito bilang bahagi ng istratehiya ng rehimeng Marcos upang malibang ang publiko at mailihis ang kanilang atensyon mula sa mga korapsyon at mga pang-aabusong nagaganap noon sa ilalim ng rehimen.
Para sa kanya, ang pamagat na ito’y angkop sa eksibit dahil naisasama nito ang mas malawak na istorikong konteksto ng problemang panlipunang tinatalakay niya. Aniya, kung pagmamasdan ang mga naka-eksibit niyang litrato na kuha sa loob ng huling dalawang taon ay tila wala namang makabuluhang pagbabago kung ikukumpara sa mga dekadang ‘70 at ‘80, at sa mas nauna pang mga panahon – isang senyales ng walang patid na kawalan ng katarungang panlipunan. Dagdag pa rito ang ang pag-uugnay sa istorikong paggamit ng mga naghaharing uri ng mga anyo ng panlibang – gaya ng bomba films – at ideolohiya para mapanatili ang bulok na sistemang panlipunang nakaayon sa kanilang interes; ilang halimbawa nito ang relihyon, indibidwalismo, at kulturang komersyal.
— Isinulat ni Blendo
Kalawakan Spacetime (est. 2015), founded by artist Gabe Naguiat and co-directed by Jan Sunday, is located at Quezon Avenue, Q.C., and serves both as a commercial gallery and a vibrant hub for various creative youth subcultures - from hardcore punk, graffiti, skate, to indie and folk music. KST has become a space where urban Philippine culture thrives, offering a platform for “non-practicing” artists to exhibit alongside emerging and established contemporary artists.
Contact
Casa Bella Bldg.
Quezon Ave., cor. Roces Ave.
Quezon City
kalawakanspacetime@gmail.com
@kalawakanspacetime