ATRAS-ABANTE-SABAY-LIKO

Alaga
Mansy Abesamis

Minus-Plus -+* / Garapata Store

Pinag-uugnay ng Atras–Abante–Biglang–Liko ang mga manlilikha mula sa pottery, tattoo, at disenyo ng kasuotan. Magkakaiba man ng anyo at materyal, nagtatagpo sila sa proseso — sa agos at pahintulot, sa tuloy-tuloy na pag-urong at pag-usad, sa biglaang liko at desisyon na humuhubog sa bawat likha. Hindi lamang ito pagtatanghal ng natapos na anyo, kundi ng bakas ng bawat galaw at pagtugon na bumuo sa kanila. Sa prosesong ito, lumilitaw ang anyo bilang tala ng paglikha.

- + * (Minus Plus) is a design-focused platform located at the 2nd floor of Garapata Store in Cubao Expo Quezon City. It hosts objects, workshops, gatherings that explore the intersections of design, function, and cultural context.